By

Ai Ai-Maine project kaabang-abang

Sharing is caring!

Kinulit ko si Ai Ai delas Alas nu’ng kamakalawa nang gabi na bigyan kami ng pictures na kuha sa kanya kung sakaling i-asalto siya sa kanyang kaarawan kahapon.

Sabi ko pa sa kanya, malamang na may surprise na inihanda sa kanya ang anak niyang si Sancho at ang magiging asawa niyang si Gerard Sibayan.

Pagtuntong ng 12 midnight, binati ko uli ang Comedy Queen at ni-remind na baka may may surprise sa kanya, hingi kami ng photos.

Maya-maya, nag-text si Ai Ai ng “wala namang may nag-surprise sa akin hehehe!”

Natawa na lang ako na pinaasa ko lang si Aiai na may magbigay ng sorpresa sa kanya.

Hindi naman talaga inaasahan iyun ni Aiai dahil nung gabing iyun ay nakatuon ang pansin niya sa paghahanda sa taunang charity acitivity.

Ang pagkakaalam namin, tuwing birthday talaga ni Aiai, inilalaan niya ang buong araw niya sa inaalagaan niyang charity na Missionaries of Charity ni Saint Mother Teresa sa Maynila.

Siya ang nag-aayos, nagpapaligo ng mga pasyente doon, at nagbibigay ng tulong na lagi naman niyang sinusuportahan.

Aminado si Aiai na dumating na siya sa puntong wala na siyang hinihiling pang iba kundi katahimikan ng buhay, at isa na nga nito ang paglagay sa tahimik.

Kaya ayaw na niya ngayon ng mga bonggang concert o pasabog tuwing birthday niya, o bonggang pa-party. Mas naka-focus na siya ngayon sa nalalapit niyang kasal.

Text niya, “Dati pag walang surprise or bumabati nang madami nalulungkot ako. Ngayon wala lang. Ayoko nga mag-party, or siguro kasi din sa kasal ako busy.”

Pero bongga rin naman ang inihanda ng Sunday Pinasaya para sa kanyang kaarawan. Naiyak pa nga ito sa pa-surprise sa kanya nung nakaraang Linggo.

Pumirma na rin siya sa GMA Records at may ilalabas na siyang bagong single.

Pero may latest kaming nasagap na may malaking project daw na balak gawin ang Regal Films na pelikulang pang-Mother’s Day next year.

Totoo kayang si Maine Mendoza ang makakasama niya sa project na ito?

Sana matuloy!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?