1,178

Sep 13, 2021 @ 18:56
By

Ai Ai humagulgol sa kotse

Hindi napigilang maiyak ni Ai Ai delas Alas habang nasa loob siya ng kotse.

Sinorpresa kasi siya ng asawang si Gerald Sibayan kahit nasa Amerika ito at siya ay nasa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang ibinigay sa kanyang mga bulaklak ni Gerald para sa kanilang monthsary.

“Crayola akiz bakla … pero na surprise ako grabe hindi mo nakakalimutan talagang bigyan ako ng flowers my darling tuwing monthsary naten … salamat asawa ko happy monthsary,” sambit ni Ai Ai.

Sana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko … thank you darl miss na miss na kita … nasan si darl ba??? Nasa US si darl mag tournament sa badminton,” dagdag niya.

Nag-comment sa kanyang post si Gerald: “I love you so much my wife @msaiaidelasalas i miss you happy monthsary.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?