1,566

By

Ai-Ai hinamon ng paseksihan si J.Lo

Walang keber na nagbuyangyang ng kanyang seksing katawan si Ai-Ai delas Alas.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang sexy body suot ang red bikini na hindi umano edited.

Makikita na sa kabila ng edad niyang 54 ay napangalagaan ng comedienne ang balingkinitan niyang katawan at makinis na balat.

Tuloy pabiro niyang hinamon si Jennifer Lopez (J.Lo) ng paseksihan.

“Eto ang totoo jlo — gusto ko mag usap na tayo ng personal pareho na tayong walang edit (ay meron pala binura ko onte ang stretch marks ko hehe) dito te … usap tayo agad agad hahaha (saksi ang aking photographer thank u che ang aking makeup artist at ang tirik na tirik na araw pero tiniis ko makapag paandar lang laban!!!!! Hehehe,” sabi ni Ai-Ai sa caption ng larawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?