172
aiai
Apr 30, 2018 @ 20:18
By

Ai-Ai, Gerald mas masarap, mainit ang relasyon ngayon

December pa ikinasal ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas kay Ge­rald Sibayan, pero hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nakakapag-honeymoon. Ang regalo sa kanila na honeymoon package ng ninong nilang si Mr. Tony Tuviera ay hindi pa raw nila nagagamit.

“Wala pa talaga. Bisi-bisihan si bakla (tawag ni Ai-Ai kay Gerald). Eh, nagko-coach din siya ng badminton, kaya talagang busy.

“Eh, may mga negosyo pa siya ngayon. So, halos sa gabi na lang talaga kami nagkikita.

“Eh ako naman, katatapos lang ng Sherlock, Jr., pero may Sunday Pinasaya pa ako. Then, may gagawin din akong movie. So, busy rin. Tapos, may restaurant business nga kami, ‘yung Chang Ai Express sa Quezon City, malapit sa ABS-CBN. Then, maglalagay rin kami sa isang mall, kaya sobrang busy talaga,” kuwento ni Ai-Ai.

Ano nga ba ang pagbabago sa buhay nila ni Gerald ngayon, makalipas ang halos limang buwan?

“Buhay may asawa na talaga, ganu’n naman kami dati pa. Parang mas busy pa nga kami noon. Ngayon kasi, medyo-medyo. Kasi ngayon, iba kasi ‘pag mag-asawa na. Kunyari, pareho ka­yong pagod, magki-kiss lang kami tapos matutulog na.

“Nu’ng mag-boyfriend kami ano pa ‘yon, pa-impress pa kayo. Ngayon kasi mag-asawa na relax na lang,” chika ni Ai Ai.

Isa nga sa mga negosyong pinasukan ni Gerald ay ang Bacsilog, na paborito niyang kainin nu’ng nag-aaral pa siya sa La Salle. Naging kaibigan na nga niya ang owner nito na si Ate Rica kung tawagin niya.

“Student pa lang ako, naisip ko na agad na mag-franchise nito. Pinangarap ko talaga. Kaya ngayon, hindi ko talaga siya tinigilan hanggang hindi kami nagkaka-franchise nito,” kuwento ni Gerald, na may puwesto na sa malapit sa University of Makati, at soon sa FEU Fern sa Fairview.

Aliw lang na kahit sa negosyo, nagawang ikumpara ang relasyon ng dalawa. Sabi ni Ai Ai, ang relasyon daw nila ni Gerald ngayon ay palaging ‘on the go’ na siyang kicker ng negosyo nilang ito.

“Laging on the go, at siyempre masarap!” sey pa niya.

“Laging mainit. Mas masarap ‘pag mainit pa. Laging fresh,” sabi naman ni Ate Rica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?