202

Dec 12, 2017 @ 15:28
By

Ai Ai-Gerald kasalan star-studded

Eksaktong alas-10:17 ng umaga kanina nang mag-umpisa ang star-studded wedding day nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa Christ The King Greenmeadows Church sa Quezon City.

Si Martin Nievera ang umawit ng Ngayon at Kailanman sa wedding march kaya hindi napigilan ni Ai Ai ang mapaluha dahil sa sobrang kaligayahan.

Sinalubong ng malakas na palakpakan ang pagpasok ni Ai Ai sa simbahan.

Magandang-maganda ang Comedy Queen sa kanyang bridal gown na creation ng fashion designer na si Frederick Peralta at agaw-pansin ang makulay na veil na hand-painted ng direktor na si Louie Ignacio.

Matron of honor si Sharon Cuneta na nagsalita na feel na feel niya ang ginagawa dahil parang bride rin siya sa kanyang solo march sa church aisle.

Photo finish ang pagdating ni Nikki Valdez na kabilang sa mga secondary sponsor dahil sila na ng kapareha niya ang magmamartsa nang dumating siya.

Star-studded ang Delas Alas-Sibayan Nuptials dahil sa presence ng mga sikat na artista gaya nina Piolo Pascual, Eugene Domingo, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Alden Richards, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Pops Fernandez at Vic Sotto. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?