574

By

Ai Ai delas Alas nagpatama sa mga pekeng kaibigan

Kasalukuyang naka-confine si Ai Ai delas Alas, at dahil dito, nahiwalay niya ang mga tunay na nagmamalasakit sa mga kaibigang hindi pala sincere.

Sa kanyang Instagram post, may patama si Ai Ai sa fake friends, na tila palaisipan pa kung sino.

“Fake friends are like shadows. They follow you in the sun but leave you in the dark,” saad sa quote na kinuha ni delas Alas.

“Maganda to… totoong totoo.. naalala ko and natatawa ako sa buhay ..after tanging ina ( thank you star cinema ) ‘pag na hospitalize ako noon kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha … ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nag papadala ng flowers,” saad sa caption ni Ai Ai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?