6,123

Jan 23, 2020 @ 15:33
By

Ahas posibleng pinagmulan ng Wuhan coronavirus outbreak

Posibleng sa ahas galing ang bagong coronavirus na nagdulot na ng outbreak ng deadly infectious respiratory illness sa China.

Pangunahing suspek ang Chinese krait at Chinese cobra.

Unang naiulat ang virus noong Disyembre 2019 sa Wuhan, malaking lungsod sa central China, at simula noon ay mabilis na itong kumalat.

Nadiskubre na bagong coronavirus ito na kapamilya ng mga virus gaya ng kilalang severe acute respiratory syndrome coronavirus (SARS-CoV) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Pinangalanan ito ng World Health Organization bilang “2019-nCoV”.

Naniniwala ang mga Chinese health official na nagsimula ang virus sa dugyot na Wuhan Huanan Wholesale Seafood Market na nagbebenta ng mga wild at exotic animals bilang pagkain.

Ang mga ahas umano ang malamang na pinagmulan ng virus, ayon sa limang Chinese scientists sa Journal of Medical Virology.

Karamihan umano ng mga pasyente ay manggagawa o customer ng food market.

Hinihinala ring sa paniki nagmula ang “2019-nCoV” pero nang magsagawa ang mga researcher ng mas detalyadong bioinformatics analysis ng sequence ng “2019-nCoV”, lumalabas na nagmula ito sa ahas.

Gumamit ang mga researcher ng analysis ng protein codes ng coronavirus at kinumpara ito sa protein codes na matatagpuan sa iba’t ibang animal host.

Lumabas na ang protein codes sa “2019-nCoV” ay mas malaki ang pagkakapareho sa mga ahas.

Sa kasalukuyan, sarado na ang Wuhan Huanan Wholesale Seafood Market kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang coronavirus outbreak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?