1,755

Oct 31, 2018 @ 17:35

‘Ahas’ ng Robinson, muling nagparamdam kay Alice Dixson?

Walang ibang makakagawa ng paglilinaw tungkol sa isyu sa isang ahas sa loob ng Robinsons mall, kundi mismo ang bida ng sinasabing titos and titas legend story.

Sa inilabas na ad ng nasabing mall sa kanilang Facebook page, mukhang winawakasan na nga ni Alice Dixson ang kuwentong tungkol sa umano’y ahas na naghihintay ng magiging pagkain sa mga fitting room ng mall, at umano’y naging biktima siya.

“It’s good to revisit old stories. But it’s better to make new ones” ang tema ng commercial.

Sa unang eksena, namimili si Alice ng damit at nang papasok na siya sa fitting room at mukhang natakot siya sa tila sumusubaybay sa galaw niya, ngunit isang bata lang pala ito na naka-costume ng crocodile.

Sumunod namang eksena ang paglilibot ni Alice sa newly renovated Robinsons Galleria.

Ang ending ng ad ay nagsasabing, “Time to make new stories.”

May iba’t ibang version ang kwentong ito tungkol sa pagkakaligtas ng aktres sa insidente sa ahas pero mukhang this time ay binigyang-linaw na ni Alice ang mga espekulasyon sa nasabing mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?