334

Dec 19, 2017 @ 15:48
By

Ahas nagwala sa kaseksihan ni Andrea

SUNOD-SUNOD ang reaksiyon ng mga artista sa sexy photos na pinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram. Nakahiga sa rubber boat si Andrea na parang nang-aakit.

Sabi ni Heart Evangelista, ‘Wohooooo!’

Tili ni Yasmien Kurdi, “Hotness grabe ka @andreaetorres.”

At si Sam Pinto, nag-all caps pa sa kanyang IG comment dahil sa sobrang paghanga kay Andrea. “DAAAAAMNNNNNN GIRL. Tumambling ako haha!”

Anyway, calendar nga ‘yon para sa 2018 sa ini-endorse niyang energy drink, ang Cobra.

“I like making my schedule loaded every single day. Wonder how I do it? It’s actually easy. I just make sure I’m #CobraPowered to get things done. Link in my bio,” sabi lang ni Andrea.

At siyempre, ang malilikot na imahinasyon ng fans ni Andrea, kung saan-saan na umabot ang komento. Na kesyo nagalit daw, nagwala at nanigas ang alaga nilang ‘ahas’ dahil kay Andrea. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?