152

Sep 1, 2020 @ 18:49

Ahas gumapang sa bunganga ng babae habang tulog

RP

Mag-ingat sa mga ahas tuwing mahimbing ang tulog.

Ito’y matapos na kailangang operahan ang isang babae matapos na sumalisi ang isang ahas na four feet ang haba sa kanyang bunganga.

Nangyari ang insidente sa Levashi, Russia, kung saan natutulog ang babae nang biglang mabulahaw dahil sa ahas.

Kaagad na sinugod sa ospital ang babaeng hindi pinangalanan, kung saan muling pinatulog ang babae sa pamamagitan ng anesthesia para maalis ang ahas.

Nakita sa video ang paglalagay ng tubo sa bibig ng babae para makuha ang ahas mula sa lalaumnan nito.

Hindi naman batid kung buhay pa ang naturang ahas matapos itong tanggalin sa lalamunan ng naturang biktima.

Maraming hindi naniniwala na ahas ang naturang hayop, ngunit saad sa mga report na masyado umano itong malaki para maging bulate o parasite sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?