111

By

Ahas ginamit ng bebot sa carnapping

Hindi baril kundi ahas at patpat ang ginamit ng isang babae para manakaw ang sasakyan ng isang driver.

Ayon sa ulat, tinakot ng suspek na si Hilmary Moreno-Berrios, 29, taga-South Carolina, ang ‘di pinangalanang babaeng driver ng wooden stick at saka binatuhan ito ng kulay itim na ahas sa sasakyan kaya napababa sa kanyang silver Honda CR-V ang biktima sa Greenville, Biyernes ng gabi.

Nagawang matangay ng suspek ang SUV mula sa biktima saka ito pinaharurot kasama ang buhay na ahas.

Agad namang nahuli si Berrios matapos mabangga sa isang sasakyang lulan ang mag-ina. Wala namang namatay sa insidente.

Dinala sa ospital ang suspek dahil sa napinsalang balikat niya.

Kinasuhan siya ng carjacking, malicious damage to personal property at lima pang violation.

Pinakawalan naman sa kakahuyan ang ahas na walang kamandag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?