27

Oct 24, 2020 @ 9:05
By

Ahas! DeMarcus Cousins kinamumuhian ng NBA coach

Nilantad ni dating NBA coach George Karl kung sino ang pinakaayaw niyang manlalaro sa liga, at hindi na nakagugulat ang kanyang tugon.

Pangalan ni DeMarcus Cousins ang binanggit ni Karl na kanyang ‘most disliked player’ 10 taon na ang nakararaan hanggang ngayong 2020.

Hindi pa nakuntento si Karl at pinaratangang ahas si Cousins.

Dating nagkasama sina Karl at Cousins sa Sacramento Kings, kung saan nagkaroon din sila ng ilang bangayan.

Tinuring nga ni Cousins na si Karl ang ‘worst coach’ na kanyang napaglaruan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?