15

May 4, 2021 @ 15:55
By

Ahanmisi, wala pa ring kontrata sa Hotshots

Hindi pa rin nakakapirma ng kontrata sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok si Jerrick Ahanmisi, halos dalawang buwan na mula nung siya ay kunin ng koponan sa 2021 PBA draft.

Palaisipan pa rin kung bakit hindi pa nakakapirma ng kontrata si Ahanmisi, na siyang nakababatang kapatid ni Alaska guard Maverick Ahanmisi.

Ayon sa ilang source, tila hindi masaya ang 24-anyos na guwardiya sa offer ng Hotshots.

Dahil dito, ang ex-Adamson Falcon na lamang natitirang manlalaro na kasama sa top 10 picks nitong nakaraang draft na wala pang kontrata.

Si Ahanmisi ay naging parte ng UAAP Mythical Five noong 2018, at nag-average pa ito ng 13.1 points, 3.6 rebounds at 1.4 assists sa kanyang huling taon sa kolehiyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?