92

Aug 16, 2019 @ 20:19
By

Ahanmisi lipat ng Aces kapalit ni Exciminiano

Inaprubahan ni PBA Commissioner Willie Marcial Biyernes ng hapon ang trade na nagdala kay Maverick Ahanmisi patungong Alaska Aces mula Rain or Shine, kapalit ni Ping Exciminiano at first-round pick.

Makukuha ng Elasto Painters ang lowest pick ng Aces sa first-round ng 2019 draft.

No. 3 pick overall ng Rain or Shine si Ahanmisi noong 2015. Ang 6-foot-2 guard ay produkto ng Minnesota sa US NCAA Division 1.

Binagabag ng injury ang 28-anyos na guard at hindi masyadong nagamit ng Painters sa Commissioner’s Cup.

Mula nang kunin ng Alaska sa second round ng 2013 Draft, nanatili sa Aces si Exciminiano, 30-anyos na galing ng FEU.

Kilala si Exciminiano bilang matibay na perimeter defender, dalawang beses nasama sa All-Defensive Team noong 2015 at 2016.

Ipa-partner na si Ahanmisi kay Chris Banchero sa backcourt ng Aces.

Si Exciminiano naman ay ipapares kina Rey Nambatac at Kris Rosales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?