48

Oct 31, 2017 @ 12:14

Ahanmisi inakay ang Falcon sa No. 3

Humihigpit ang ­kapit ng Adamson sa No. 3 ng standings, mala­king dahilan dito si Jerrick Ahanmisi.

Kumana si Ahanmisi ng 16 points sa 90-77 win ng Soaring Falcons kontra NU noong Linggo para ilis­ta ang 8-4 karta sa 80th UAAP basketball tournament.

Sa dalawang laro, nag-average si Fil-Am guard Ahanmisi ng 18.5 points para sa Falcons, sapat para tanghaling Chooks To Go-UAAP Press Corps Player of the Week.

Bago kinalos ang Bulldogs, naglista si Ahanmisi ng 21 markers kasama ang crucial shots sa endgame para bitbitin ang Falcons sa 75-70 win kontra UST noong Miyerkoles.

Nasa itaas ng ­Adamson ang defending champion De La Salle University (10-2), pero may tsansa pa rin ang Falcons na madagit ang No. 2 at kaakibat nitong twice-to-beat incentive.

Inungusan ni Ahanmisi sina Paul Deside­rio ng UP, Ricci Rivero ng La Salle at Thirdy Ravena ng Ateneo sa weekly plum na binibigay ng sportswriters mula broadsheets, tabloids at online publications.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?