36

By

Ahanmisi, Adamson pinadapa ang Ateneo

Sharing is caring!

Nakalusot ang Adamson University Soaring Falcons sa defending champions Ateneo de Manila University Blue Eagles, 74-70, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena ngayong Linggo.

Naging crucial ang lay-up ni Papi Sarr sa huling minuto ng laban upang makakuha nila ang kalamangan, 72-70.

Napasok ni Sean Manganti ang dalawang free throw kaya naman nasungkit ng Adamson ang panalo, 74-70.

“My only request was to let the game be close. We still have to prove ourselves,” ani head coach Franz Pumaren.

Nanguna sa Adamson si Jerrick Ahanmisi na gumawa ng 23 puntos at apat na rebound. Si Matt Nieto naman ang namuno sa Adamson na mayroong 21 puntos.

Sunod na makalalaban ng Adamson ang De La Salle University Green Archers sa Sabado, Setyembre 15, sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?