24
novak
Jun 2, 2018 @ 19:36
By

Agut supalpal kay Djokovic

Pasok na sa ikaapat na round ng French Open ang dating world number one na si Novak Djokovic matapos ang matindi nitong panalo kontra Roberto Bautista Agut 6-4, 6-7(8), 7-6(4) Biyernes sa Paris, France.

Halos umabot na tatlong oras at 48 minuto ang apat na set na laban ni Djokovic kung saan halatang nahirapan ito nang husto.

Ito na ang ika-43 na pagkakataon na nakatuntong sa Last 16 ng isang Grand Slam event si Djokovic katabla si Jimmy Connors sa all-time list.

Ayon kay Djokovic, talagang napagod siya dahil sa halos apat na oras na laro at pinuri pa niya si Agut sa pagiging matimpi nito sa laro pero masaya ito na siya ang nanalo sa kanilang laban.

“Four hours for the match, I’m a bit tired, Bautista Agut plays too much patience for me, but I’m very happy to have won the match. Bautista Agut is a specialist on this surface. Conditions were obviously difficult. But it was a special win,” ani Djokovic.

Sunod na makakaharap ni Djokovic ang Spanish netter na si Fernando Verdasco na pinaluhod si Grigor Dimitriv, 7,6 (7-4), 6-2, 6-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?