44

Oct 19, 2020 @ 9:18
By

Agusan Sur town vice mayor nabangga ng truck, dedo

Patay sa isang aksidente sa kalsada ang bise alkalde ng Rosario, Agusan del Sur noong Sabado.

Sa ulat ng GMA News, sinabing sakay ng kanyang motorsiklo si Vice Mayor Concordio Ocite sa nasabing bayan nang mabangga siya ng isang truck, Oktubre 17.

Tumilapon ang bise alkalde at dead on the spot.

Habang malubhang nawasak naman ang motorsiklo niya.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng nabanggit na trak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?