67

Dec 1, 2017 @ 16:32
By

Aguirre, walang nakitang mali sa pro-‘Rev Gov’ rally

Malaya ang sinuman na maglahad ng kanilang pananaw.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II nang tanungin kaugnay sa isinagawang pagtitipon kahapon ng libo-libong mga tao na sumusuporta sa panawagang ‘Rev Gov Na!’ o pagtatag ng revolutionary government.

Ayon kay Aguirre, ang pagtitipon kahapon sa Mendiola ay pagganap lamang ng mga nakiisa sa aktibidad sa kanilang ‘freedom of expression’.

“Meron kasi naniniwala na ang revolutionary government ay magpapadali ng pagbabago, so lahat naman tayo may right to express our own opinion,” saad ni Aguirre.

Dahil dito, walang nakikitang mali o bawal si Aguirre sa ikinasang pagtitipon na isinabay sa ika-154 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Ginawa ni Aguirre ang pahayag sa programang idinaos sa lungsod ng Maynila para sa paglulunsad ng ‘Uniform Manial on Time Allowances and Services of Sentence’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?