44
ABANTE-TNT-aguirre-testigo-sereno-pic
By

Aguirre, tumestigo sa pagdinig sa impeachment complaint kay Sereno

Sharing is caring!

Tumestigo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Atty. Larry Gadon na inupuan umano ni Sereno ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na mailipat ang kaso ng Maute members sa labas ng Mindanao.

Ayon kay Aguirre, sinabihan siya ni Sereno na i-tone down ang “danger and security concerns” sa request nito sa Korte Suprema na mailipat ang mga kaso mula sa Cagayan de Oro City patungong Taguig City.

Nakipagpulong aniya ang punong mahistrado nang pribado sa opisina nito sa Korte Suprema.

“In our meeting kami lang pong dalawa, she told me, Secretary, with respect to your request sana i-tone down ‘yung contents ng letter na gagawin mo,” sabi ni Aguirre.

Pinayuhan umano siya ni Sereno na i-highlight na lamang sa sulat ang tungkol sa pangangailangan ng militar na tutukan ang paglaban sa teroristang Maute.

Sinabi ni Aguirre na sinunod niya ang payo ni Sereno bagama’t tumanggi ang kalihim na magbigay ng opinyon kung bakit may ganoong hirit ang Chief Justice. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?