11

Jan 12, 2021 @ 13:45
By

Aguirre recycled basura – De Lima

Kinutya ni Senadora Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtalaga nito kay dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang commissioner sa National Police Commission (NAPOLCOM).

“Duterte should appoint himself to the National Solid Waste Management Commission. Magaling talaga siya mag-recycle ng basura. #zeroWaste,” pahayag ni De Lima, dating Justice Secretary, sa isang statement.

Si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sapul pa noong 2017 dahil sa kasong may kinalaman sa illegal na droga. Paulit-ulit nang pinapabulaanan ni De Lima ang kaso sa kanya na aniya’y pawing political-motivated.

Nauna nang kinasuhan ni De Lima si Aguirre sa mga nagtaang taon dahil sa paggamit diumano ng mga convicted criminal bilang state witness sa kanyang illegal d4rug trading case at sa pagkabigo ng huli na imbestigahan at kasuhan ang 7,000 kaso ng extrajudicial killings.

Nagbitiw si Aguirre sa DOJ noong Abril 2008 sa gitna na kritisismo kaugnay na inisyal na pagbasura nito sa mga kaso ng ilang pinaghihinaalang drug personality.

Noong Lunes, inihayag ng Malacanang ang pagkatalaga kay Aguirre bilang NAPOLCOM commissioner na kumakatawan sa pribadong sektor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?