373
ABANTE-TNT-aguirre-testigo-sereno-pic
Apr 4, 2018 @ 15:10
By

Aguirre naospital

Posibleng hindi makadalo sa cabinet meeting sa Malacañang si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ngayong Miyerkoles ng hapon matapos mabalitaang nasa ospital ito.

Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na nabalitaan nila mismo sa mga taga- Department of Justice na nasa isang ospital si Aguirre.

Gayunman hindi tinukoy ng opisyal kung saang ospital pumasok ang kalihim ng DOJ.

Muling binigyang-diin ni Guevarra na walang natatanggap na resignation letter mula kay Aguirre o kahit sinumang miyembro ng gabinete.

“Gaya ng sinabi ko na, wala naman kaming natatanggap na letter of resignation coming from any cabinet secretary. Bagama’t nabalitaan namin na kahapon (Martes) ay pumasok or napasok sa isang ospital si Secretary Aguirre dahil may karamdaman o hindi ko masabi kung anuman,” ani Guevarra.

Hindi pa aniya nila nakakausap si Pangulong Rodrigo Duterte simula noong nakalipas na linggo at kung anuman ang aksiyong gagawin o paggalaw sa gabinete ay ang Presidente ang magsasabi mismo.

Nauna rito ay umugong na posibleng ianunsiyo ng Pangulo sa cabinet meeting ang magiging kapalaran ni Aguirre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?