76

By

Aguirre isasabit sa senatorial slate ng PDP-Laban

Sharing is caring!

Isinama na rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga pinagpipilian nito para sa senatorial slate ng administrasyon sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang pagsasalita sa ika-81 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Alvarez na dapat mapasama si Aguirre sa senatorial lineup ng PDP-Laban.

“Itong si Secretary Vit Aguirre, kung ako lang ang tatanungin ninyo, ito ay dapat kasama sa line up ng senatorial candidates ng PDP sa 2019. Susuportahan ko po ang kandidatura ni Secretary Vit Aguirre,” ayon kay Alvarez.

Kukumbinsihin daw ng Speaker si Pang. Duterte na magrekunsidera sa posisyon nitong huwag maglagay ng mga miyembro ng gabinete sa susunod na eleksiyon.

“Malayo pa naman ang 2019 so in between baka makumbinsi din si Pangulo,” sabi ng Speaker..

Para kay Alvarez, kailangan ang isang beteranong abogado gaya ni Aguirre sa Senado para mapabilis ang pagpasa ng mga legislative agenda ng administrasyon.

Bukod sa kalihim, nauna nang binanggit ni Alvarez bilang potential candidates sina Communications Assistant Secretary Mocha Uson, Presidential Spokesperson Harry Roque, Representatives Karlo Nograles (Davao City), Alfredo Benitez (Negros Occidental), Geraldine Roman (Bataan), at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Francis Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?