48
ABANTE-TNT-doj-aguirre-gobyerno
Apr 6, 2018 @ 10:14
By

Aguirre, hindi pa lusot sa pananagutan – solons

Hindi pa rin daw absuwelto sa pananagutan si resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre kahit nagbitiw na ito sa puwesto.

Para kina Gabriela Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus, ang resignation ni Aguirre ay desperadong hakbang para pabanguhin ang kapalpakan at kawalan ng hustisya sa administrasyong Duterte.

Sa ilalim ni Aguirre, naging kasangkapan anila ang DOJ para sa political persecution, na naglagay sa panganib sa buhay ng mga human rights defender at mga aktibista na binansagang terorista habang inutil naman sa kaso ng mga self-confessed drug lords at mga kriminal.

“Gabriela Women’s Party stands that his resignation will not absolve him and this administration of their crimes against the people,” ayon sa grupo.

Sinabi naman ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na ang pag-alis ni Aguirre sa posisyon ay hindi nangangahulugang lusot na ito sa lumalang culture of impunity sa bansa.

“Aguirre and DOJ is also guilty of gross negligence and inaction on extra-judicial killings in the regime’s murderous drug war, as well as the imprisonment of hundreds of activists under the crackdown on the Left, and the killings of Lumad and other sectors under martial law in Mindanao,” ani Elago.

Natuwa naman si AKO BICOL party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa pagbibitiw ni Aguirre dahil sa wakas anya ay nabigyan na ng hustisya ang DOJ.

“We in the minority called for his resignation and Secretary Aguirre follow suit. Finally, Secretary Aguirre gave Justice to his office!” sabi ni Garbin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?