114
ABANTE-TNT-aguirre-testigo-sereno-pic
By

Aguirre, hindi magbibitiw sa puwesto

Sharing is caring!

Sa gitna ng mga batikos na ipinupukol dahil sa pag-absuwelto kina Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa sa kasong may kinalaman sa iligal na droga, nanindigam si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Si Aguirre ay pinagbibitiw ng Makabayan bloc dahil sa kontrobersyal na resolusyon sa kaso ni Peter Lim.

Ayon kay Aguirre, pawang espekulasyon lamang ang pahayag ng mga kongresistang humihirit ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Aniya, hintayin na lamang na si Pangulong Duterte ang magpasya sa kanyang magiging kapalaran.

“Puro speculation! Produce evidence. If they can’t, they should hold their peace and just wait for the President to relieve me. Good luck to them!” saad ng kalihim.

Hinamon pa ng kalihim ang kanyang mga kritiko na maglabas ng ebidensiya kaugnay sa kanilang paratang laban sa DOJ gaya ng pagtawag sa kagawaran na protektor ng mga drug lord.

Nauna nang dumistansiya si Aguirre sa kontrobersyal na resolusyon sa pagsasabing hindi naman dumaan sa kanyang tanggapan ang resolusyon ng panel of prosecutors na nagbasura sa reklamo laban kina Peter Lim dahil sa kakapusan ng ebidensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?