142
kiko-pangilinan-vitaliano-aguirre
Apr 4, 2018 @ 16:32
By

Aguirre dapat nang masibak, makasuhan – Pangilinan

Umaasa si opposition Senator Kiko Pangilinan na totoo ang alingasngas na sisibakin na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Matagal na umanong dapat sinibak si Aguirre dahil sa mga kalokohang ginawa sa Department of Justice (DOJ).

Pagkatapos sibakin, sinabi ni Pangilinan na dapat sampahan si Aguirre ng patung-patong na kaso kabilang ang plunder at katiwalian.

Aniya, para ito sa pagkakalat ni Aguirre ng fake news laban sa mga taga-oposisyon na iniugnay nito sa terorismo sa Marawi City.

Kailangan din umanong singilin si Aguirre sa patuloy na paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP), sa pagbasura ng DOJ sa drug complaint laban sa umano’y drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa at sa pagbasura ng DOJ sa reklamo laban kay dating Bureau of Customs Nicanor Faeldon na pinagsuspetsahan sa paglusot ng 604 kilograms ng shabu.

Kalusin din umano dapat si Aguirre dahil sinadya umanong kulangan ng P1,000 ang P50 milyong bribe money para makaligtas sa kasong plunder ang dalawang dating deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na kapwa niya miyembro ng Lex Talionis Fraternity.

“Matagal na nating hinihingi ang pagsibak kay Aguirre. Hindi lang dapat sibakin kundi kasuhan ng plunder at graft sa dami ng kalokohan na kaniyang pinaggagawa bilang DOJ secretary,” ani Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?