38

By

Aguirre, dadalo sa impeachment hearing kay Sereno

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na dadalo siya sa impeachment proceedings sa House Committee on Justice laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Aguirre ay ipinatawag sa Kamara de Representantes para tumestigo sa isyu ng kanyang kahilingan na mailipat ng lugar ng paglilitis ang kaso laban sa mga naarestong hinihinalang miyembro ng Maute na sangkot sa pag-aaklas sa Marawi City.

Sinabi ni Aguirre na natanggap na niya ang paanyaya ng House Justice Committee at nagpasabi na siya na siya ay dadalo sa pagdinig bukas.

“I will attend on Tuesday,” ang bahagi ng text message ni Aguirre bilang tugon kung siya ba ay maglalahad ng testimonya sa Kamara.

Isa sa mga batayan ng impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon laban kay Sereno ay ang pagmanipula at naantala umanong pagpapalabas ng resolusyon ng Korte Suprema sa kahilingan ni Aguirre na ilipat ang pagdinig sa mga kaso laban sa mga miyembro ng grupong Maute sa labas ng Mindanao.

“Sereno has been delaying the issuance and release of the resolution because she failed to get a majority vote on her desire to keep the Maute and similar cases in Cagayan de Oro City, to the detriment of the service,” ang bahagi ng impeachment complaint na inihain ni Gadon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?