Aguinaldo ‘out’, Bonifacio ‘in’ sa P5 coin

Sharing is caring!

Hindi na makikita sa susunod na mga araw ang mukha ng unang Presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo sa P5 coin dahil pinalitan na siya ng tinaguriang Ama ng Himagsikan na si Gat Andres Bonifacio.

Kinumpirma noong Martes ng Bangko Sentral Pilipinas na maglalabas sila ngayong Disyembre ng bagong disenyo ng P5 coin kung saan nakaukit ang mukha ni Bonifacio.

Gawa sa silver o pilak ang coin na ito na may markings na “Andres Bonifacio,” “5-Piso” at “Republika ng Pilipinas” sa harap.

Samantala, sa likod naman nito ang mukha ng Tayabak, isang endemic plant na umaakyat sa mataas na puno sa mga gubat. Ang BSP logo at “Bangko Sentral ng Pilipinas” ay ilalagay din sa microprint.

Ang bagong P5 ay 25-millimeters ang diameter at may timbang na 7.4 grams.

Ginawa ng central bank ang bagong disensiya ng P5, isang araw bago ang komemorasyon ng 154th birth anniversary ni Bonifacio sa Nobyembre 30.

Si Bonifacio, tinawag ding Supremo, ay lider ng Katipunan na nagsimula ng rebolusyon laban sa mga Kastila at nanguna sa deklarasyon ng Philippine Independence noong 1898.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?