11

Oct 18, 2020 @ 22:16
By

Aguilar, Pringle sanib pwersa: Ginebra 3-0 na sa bubble!

Patuloy ang pagratsada ng Brgy. Ginebra sa 2020 PBA Philippine Cup matapos patumbahin ang Meralco Bolts, 105-91, Linggo ng gabi sa AUF Sports Arena, Pampanga.

Sa naturang laro, maagang nagpakitang-gilas ang Ginebra tangan ang 50-39 lead sa halftime sa pangunguna ni Stanley Pringle na mayroon agad na 11 puntos.

Hindi pinabayaan ng Ginebra ang kalamangan sa tulong ni Japeth Aguilar, na kumolekta ng 20 points, apat na rebounds at dalawang blocks.

Tumapos naman si Pringle tangan ang 16 points at pitong boards.

Si Allein Maliksi naman ang nanguna sa scoring ng Bolts, na mula sa bench ay nakabuslo ng 18 points, apat na tres.

Dahil sa panalo, sumalo ang Ginebra sa top spot sa 3-0 win-loss record kasama ang TNT Tropang Giga at Rain or Shine Elasto Painters.

Samantalang bagsak sa 1-2 ang Meralco kung saan kiskisan sila sa gitna ng Alaska, Magnolia at San Miguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?