57

By

Aguilar ‘kandado’ sa Ginebra ng 3-taon

Nasigurado ng Barangay Ginebra San Miguel ang serbisyo ng high-flying forward na si Japeth Aguilar sa susunod na tatlong taon.

Pumirma si Japeth ng kontrata para sa Ginebra noong Miyerkoles matapos maging isa sa mga naging dahilan ng tatlong kampeonato ng Ginebra sa nakalipas na tatlong taon.

“Japeth has made such spectacular strides in terms of growth over the three years,” pakli ng Ginebra head coach na si Tim Cone.

Si Japeth ay nag-average ng 17.6 points, 7.8 rebounds at 1.08 blocks para sa 2018 PBA Governors’ Cup, sapat para sa ikatlong pwesto sa Best Player of the Conference race pagdating sa statistical points.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay may bagong kontrata din ang kanyang kakampi na si Aljon Mariano para sa Ginebra na mananatili pa ng tatlong taon sa koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?