11

Nov 13, 2020 @ 21:58
By

Aguilar, Ginebra pinatalsik ROS sa PBA bubble

Laglag na sa PBA Philippine Cup ang Rain or Shine matapos na talunin ng Barangay Ginebra, 81-73, sa quarterfinals matchup nitong Biyernes sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Nanguna sa Ginebra si Japeth Aguilar na tumapos tangan ang 23 points at 11 rebounds, ngunit si Stanley Pringle ang sumelyo sa panalo ng crowd favorite team.

Nailapit ni James Yap ang iskor sa 72-71, ngunit ang dalawang sunod na tira ni Pringle papasok ng last two minutes ang nagpaalagwa sa Ginebra para sa limang puntos na kalamangan.

Kumamada si Pringle na may 10 points at five rebounds, habang tumulong si Aljon Mariano hawak ang 11 points at nine rebounds.

Haharapin ng Ginebra ang mananalo sa pagitan ng Meralco Bolts at San Miguel Beermen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?