31

By

Agrikultura, ‘weakest link’ sa ekonomiya – Duterte

Kulang pa ang mga ginagawang aksiyon sa agrikultura para maging bahagi ng pag-angat ng ekonomiya.

Ito ang dahilan kaya nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin pa ang sektor ng agrikultura ngayong taon para makasabay sa pagsulong ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ngc sa Kampo Aguinaldo noong Biyernes ng hapon, sinabi ng Pangulo na tututukan niya ang paglutas sa problema ng masikip na mga kulungan sa susunod na taon.

Uunahin muna aniya nito ang pagtutok sa agrikultura at umisip ng mga bagong ideya para lalong mapahusay ang mga programang makakatulong para umangat ang ekonomiya ng bansa.

“I’ll concentrate muna sa agriculture. The weakest link sa ating economy is agriculture. I have to do something about it. Nasubukan ko na lahat eh. But let me come out with some better ideas this year,” anang Pangulo.

Walang binanggit si Pangulong Duterte kung kuntento ba ito sa pagpapatakbo ng mga opisyal ng Department of Agriculture kahit na mahina ang sipa ng agrikultura sa ekonomiya.

Matatandaang boluntaryong nagbitiw si Agriculture Secretary Manny Piñol bilang kalihim ng ahensiya at nagpalipat sa ibang puwesto sa gobyerno.

Wala pang napipili si Pangulong Duterte kung sino ang ipapalit kay Piñol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?