38

Feb 11, 2020 @ 13:28
By

Agrikultura buhusan ng pondo – Villar

Itinutulak ngayon ni Senadora Cynthia Villar rang isang panukalang batas na mag-uutos sa local government units (LGU) na maglaan ng pondo sa pagpapaunlad sa agrikultura.

Sa Senate Bill 1138 o ang “Local Government Agriculture Development Act”, magtatakda ng 10 percent budgetary allocation mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng LGUs para sa pagpapatupad ng mga programa, aktibidades at serbisyo sa agrikultura at pangingisda.

“We need to strengthen local government participation in agriculture development by making sure programs for agriculture will be funded and consistently implemented whoever gets elected– advocate man ng agriculture ang mayor o hindi,” sabi ni Villar, chair ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform.

“Just like how LGUs were required to allot budget for Gender and Development Program, we want local agriculture development programs to be funded also,”dagdag pa niya.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang mga siyudad, munisipalidad at barangay na maglaan ng 10 percent mula sa kanilang taunang development fund sa agriculture at fishery sector’s value chain of production, processing at marketing.

Layunin din ng panukalang batas na amiyendahan ang Sections 17, 106, 107, 110, 287, 443, 454, 482 (A), at 511-A ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code.

Ayon pa sa senadora, magkakaroon rin ng mas maraming pera ang LGUs upang pondohan ang local agriculture development programs matapos katigan ng Supreme Court ang pagtataas ng IRA.

Bukod diyan, ipro-professionalize din ang posisyon ng agriculturist para sa mas magandang extension services.

Gagawin ding mandatory ang pagtatalaga ng agriculturist sa mga siyudad at munisipalidad kung saan mahalagang industriya ang agrikultura at pangingisda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?