4,997

Jul 5, 2020 @ 11:06
By

Agot tinawag na troll si Remulla

Pumalag si aktres Agot Isidro sa binigkas ni Cavite Rep. Crispin ‘Boying’ Remulla na milyon-milyong troll umano ang empleyado ng ABS-CBN.

Sabi ni Remulla, “They [ABS-CBN] have used social media to assassinate my character, employing millions of trolls in the process.”

Binabatikos ang mambabatas na dinedma ang Pambansang Awit sa isang pagdinig ng Kamara.

“Hindi po kami troll. Kayo po yun,” tugon ni Agot sa balita ukol kay Remulla, sabay lakip ng emoji na smirking face.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?