173

Nov 22, 2021 @ 19:36
By

Agot swak sa ‘Flower of Evil’

Inilantad na ang cast ng Pinoy version ng Korean drama series na “Flower of Evil”.

Makakasama ng mga bida nitong sina Lovi Poe at Piolo Pascual sina Robert Seña, Epy Quizon, Jett Pangan, Pinky Amador, Kit Thompson, Agot Isidro, Rita Avila at Denise Laurel.

Bahagi rin ng series sina Joross Gamboa at Edu Manzano, na kinumpirmang mag-on na sila ni Cherry Pie Picache.

Ito ang unang pagsasama nina Piolo at Lovi, na first project naman ng aktres bilang Kapamilya.

Wala pang announcement ang ABS-CBN kung kailan ito ipalalabas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?