28

Jun 24, 2022 @ 14:38
By

Agot super proud maging ‘pinakamasayang talunan’

Muling ipinagmalaki ni Agot Isidro ang kanyang pagiging solid kakampink nitong nagdaang eleksyon.

Bagamat natalo ang mga inendorso niyang politiko, inilarawan pa ni Agot ang sarili, maging ang kanyang mga kapwa kakampink, na masasayang talunan.

“Kami na yata ang pinakamasayang talunan,” saad ni Agot sa kanyang Twitter post.

Kamakailan, nagdaos ng pasasalamat ang mga artistang sumuporta kina Bise Presidente Leni Robredo at ka-tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Kasama ni Agot sa Artists for Leni sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Nikki Valdez, Jake Ejercito, at Janno Gibbs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?