42

By

Agot sa ‘power naps’ ni Duterte: ‘Hiyang-hiya naman si Malaysian PM Mahathir bin Mohamad sa iyo’

Sharing is caring!

Hindi pinalagpas ng kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si actress Agot Isidro ang hindi pagdalo ng una sa ilang events sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit sa Singapore dahil sa pag-idlip nito.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Isidro ang mga katagang, “Hiyang-hiya naman si Malaysian PM Mahathir bin Mohamad (93 years old) sa iyo” kalakip ang isang artikulo ng hindi pagdalo ng Pangulo sa ilang Asean events.

Matatandaang anim na mahahalagang events sa ikalawang araw ng regional conference na ginanap sa Lion City ang hindi sinipot ni Pangulong Duterte dahil sa nag-‘power naps’ ito.

Mas bata ang Pangulo ng 20 taon kay Mahathir.

Gaya ng inaasahan, humamig ng sari-saring reaksiyon sa netizens ang patutsadang ito ng aktres.

Sabi ni @fpjaptrash: Wow ingat ingat po sa power naps at baka hindi na magising.

Sumbat ni @Boy7509: Nakakahiya talaga ang excuse nila sa hindi pagdalo ni pdutz. He is our president n its an important meeting. Ibigsabihin kapag andito cya ganyan din ang ginagawa nya. Diba pinapasweldohan natin c pduts hindi para mag PowerNap kundi irepresent ang mamayang pilipino sa intl scene.

Matatandaang tampulan ng pangbabatikos si Isidro sa social media dahil sa pagiging kritiko nito sa administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }