65

Mar 21, 2020 @ 13:18
By

Agot nagparamdam: Kailangan ng plano!

Muling nagparamdam at nagpahayag ng kanyang opinyon si Pinay singer Agot Isidro.

Sa kanyang Twitter account ay nagpaalala ito sa mga kaganapan ngayong may pandemic coronavirus.

Pahayag niya, dapat ay maging handa ang lahat dahil mahaba pa ang span ng sakit sa bansa. Dapat aniya ay may solidong plano ang gobyerno sa mga nangyayare.

@agot_isidro: “My opinion.

-Mahaba pa ito. Wala pa tayo sa peak.

-Donations are needed and much appreciated. But let’s also expect donor fatigue.

-Kailangan ng plano (both public & private sectors) if this goes beyond the one month lockdown.

Kasabay nito ay pinaalala niyang hindi ito pangontra sa gobyerno kundi paghahanda lang.

“Hindi ito being nega, just thinking ahead.”

(link: https://twitter.com/agot_isidro/status/1240849504569442305)

Sa ngayon ay nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon at magtatagal ito hanggang April 12. Wala pang tiyak na anunsyo kung tatagal pa ang nasabing quarantine dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagdami ng kaso sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?