387

Nov 20, 2019 @ 14:02

Agot Isidro pumalag sa P55M SEAG cauldron: Gaguhan!

“Sa gaguhan na ganito napupunta ang buwis natin. Game ka pa ba, Pilipinas?” – ang tanong ni Agot Isidro sa publiko matapos malaman na P55 milyon ang gagastusin sa cauldron para sa Southeast Asian (SEA) Games.

“Million and more reasons for everyone to not want to pay our taxes,” tweet pa niya.

Napa-“what??” naman si dating APO Hiking Society member Jim Paredes sa balita.

Samantala, “Good God. Ridiculous ?” naman ang naging pahayag ni TV host Gretchen Ho.

Nagulantang at nagalit ang taumbayan nitong Lunes nang malaman sa 2020 budget deliberations ng Bases Conversion and Development Authority na P55 milyon ang kabuuang gastos para sa stadium cauldron na gagamitin sa SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?