agot
By

Agot Isidro, isasabak ng LP sa 2019 senatorial slate

Sharing is caring!

Kinukumbinsi ng Liberal Party (LP) ang singer-actress na si Agot Isidro na tumakbo sa pagka-senador sa 2019.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng LP, nakausap na niya si Isidro pero hindi pa ito nakapagdedesisyon.

“Nakausap natin initially but pini-firm-up pa niya ang kaniyang desisyon kung tutuloy siya,” ani Pangilinan sa panayam ng GMA News To Go.

Naging interesado ang LP kay Isidro dahil naglalabas ng mga opinyon ukol sa mga isyu.

Kailangan din umano ng partido ng matatapang na babaeng kandidato.

Si Isidro ay markado na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na binatikos nito dahil sa pagbanat sa United Nations, Amerika at Europe samantalang nagbibigay ang mga ito ng tulong para sa mahihirap sa bansa.

Hindi naman umano sinusuyo ng LP si ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil walang indikasyon na interesado itong kumandidato sa pagka-senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?