413

Oct 5, 2021 @ 17:54
By

Agot: Bongbong gustong-gusto matalo

Wala umanong kadala-dala si dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang sinapit sa nakaraang halalan at tatakbo muli ito sa 2022, ayon kay Agot Isidro.

Matapos ang pag-anunsyo ni Marcos ng kandidatura bilang pangulo sa 2022, pasaring agad ang sinalubong ni Agot.

“Bakit ba gustong-gusto nya matalo?” saad sa tweet ni Agot, dala ang mga hashtag na #MarcosMagnanakaw at #LetLeniLead2022.

Noong 2016 ay nagkaharap sina Robredo at Marcos sa dikitang vice presidential race kung saan nanaig si Robredo.

‘Di ito tinanggap ni Marcos at naghain ng electoral protest ngunit hindi rin pumabor sa kanya ang resulta ng mga ito.

Nagbabadya ang rematch sa pagitan ng dalawa bagamat wala pang pahayag si Robredo sa kanyang plano sa 2022. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?