189

Oct 10, 2017 @ 16:18

Agnas na bangkay ng nagbigting Koreano, natagpuan sa condo

Naaagnas na ang bangkay ng 25-anyos na Korean national nang matagpuan ng kanyang ina na nakabigti pa sa loob ng isang condominium unit sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Si  Nam Hyung Kang, 25, binata ay natagpuang medyo naaagnas nang nakabigti ng kanyang inang si Young Rung Chon, isa ring Korean national, sa loob ng kanyang condominium na matatagpuan sa Unit 29R Le-Grand II, Tower Eastwood, Barangay Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Marvin P. Masangkay, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) natagpuang ang bangkay ni Kang na nakabigti ng necktie sa hagdanan ng nirerentahan condo unit nito, dakong alas-2: 15 ng madaling araw nitong Oktubre 10, 2017.

Ayon sa ina ng biktima, pinuntahan niya ang kanyang anak na si Kang para dalhan sana ng mga pagkain at damit, subalit pagpasok niya umano sa inuupahang condo unit nito ay sumalubong sa kanya ang masansang na amoy.

Nang buksan umano nito ang ilaw sa condo ay tumambad sa kanya ang medyo na naaagnas nang bangkay ng kanyang anak na hinihinalang may ilang araw nang patay.

Agad na nagtungo umano sa kusina si Chon at kumuha ng kutsilyo at pinutol ang necktie na nakapulupot pa sa leeg ng kanyang anak, bago ipinag-bigay alam sa security guard ng nasabing condo.

Ang ang insidente ay inireport naman agad ng mga naka-duty na guwardiya sa himpilan ng pulisya.

Nasamsam ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD na pinamumunuan ni Police Senior Inspector Maridel Bringuez ang isang suicide note at last will testament na sulat koryano ng biktima. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?