80
Gunman na napatay sa shootout sa Quezon, anak ng alkalde
Dec 31, 2019 @ 9:54
By

Agnas na bangkay bumulaga sa resort

Natagpuan ang agnas nang bangkay ng mangingisda sa loob ng abandonadong resort sa Sitio Litid, Barangay Manalongon, Santa Catalina, Negros Oriental noong Disyembre 30, 2019.

Kinilala ng kuya na si Samuel sa Negros Provincial Police Office ang biktima na si Bernabe Tañedo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa background ng biktima at kung paano itong namatay.

Nagtungo umano ang mga pulis sa naturang resort matapos makatanggap ng tawag tungkol sa agnas na bangkay na nakita sa resort.

Narekober sa loob ng kuwarto kung saan nakita si Tañedo ang isang hunting knife na may bahid ng dugo, bolo at cellphone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?