86

Jan 6, 2018 @ 18:00
By

‘Agila’ ng MMDA, gagamitin sa prusisyon ng Nazareno

Bukod sa ipapakalat nilang 1,500 tauhan, gagamitin din ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Mobile Command Center sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo.

Sinabi ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, bukod pa ito sa kanilang command center sa Quirino Grandstand.

Aniya, ang kanilang mobile command center ay tinatawag na ‘Agila’ at gagamitin ito para mas matutukan nila ang mga kaganapan sa prusisyon mula sa simula hanggang sa pagbabalik ng imahen ng Itim na Nazareno sa simbahan ng Quiapo.

Binanggit pa ni Pialago na may CCTV cameras din sa ruta ng prusisyon, sa paligid ng Quirino Grandstand at sa simbahan ng Quiapo.

Nabatid na dalawang rubber at ferry boats ang itatalaga sa ilalim ng Jones Bridge para umantabay sakaling may deboto na mahulog sa Pasig River. )

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?