164

Nov 22, 2021 @ 9:56
By

Agila dinakma nabingwit na baby shark

Inakala ng isang mangingisda sa Florida, USA na naka-jackpot na siya matapos makabingwit ng isang maliit na pating, ngunit bago pa niya mahawakan ang nahuli ay kinuha na ito ng isang agila.

Ayon sa videong nakalap ng CBS News, namimingwit ng isda sa may Dunedin Causeway ang isang lalaki at nakatsamba siya na makahuli ng isang maliit na pating.

Ngunit habang hinihila niya ito papalapit sa kanya ay umeksena ang isang bald eagle at inangkin ito.

Wala nang nagawa ang lalaki kundi hayaan ang agila na kainin ang maliit na pating. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?