19

Oct 14, 2020 @ 15:23
By

AGHAM Diliman pumalag kay Antiporda

Kinundena ng Advocates of Science and Technology for the People (Agham) sa UP Diliman ang pagbansag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na “bayaran” sa mga UP expert.

Matapos ilahad ng ilang UP biologists na willing silang tulungan ang DENR sa “science-based rehabilitation program” sa Manila Bay, sinabi ni Antiporda na, “Hindi n’yo karapatang batikusin ito dahil bayaran kayo.”

Dagdag niya, masisira ang view kung mangroves ang ilalagay. Hindi rin naman daw ito mabubuhay sa lugar aniya .

Sinagot si Antiporda ng Agham Diliman.

“AGHAM Diliman condemns this attack on scientists. What’s the point of funding and conducting research if this won’t be translated to policy?,” tweet ng grupo.

“We demand @DENROfficial USec Antiporda to immediately issue an apology!,” anila pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?