151

Jun 23, 2022 @ 10:46
By

Agent ng e-sabong tiklo sa entrapment operation

Arestado ang isang master agent na patuloy umanong nagpapataya sa online sabong o e-sabong kahit pa ipinagbawal na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, kinilala ang suspek na si Kenneth Jacinto.

Halos dalawang linggo umanong binantayan ng Philippine National Police (PNP) si Jacinto dahil sa paghihinalang patuloy ang kanyang pagpapataya sa e-sabong.

Sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group spokesperson Lt. Michelle Sabino, nagpadala umano ng friend request sa Facebook ang kanilang undercover cop upang maaktuhan ang suspek.

Nagpadala naman ng link si Jacinto na nagdidirekta sa iligal na e-sabong website dahilan sa pagkakahuli nito.

Samantala, patuloy pa rin ang PNP sa pag-iimbestiga ukol sa mga iligal na operasyon ng e-sabong.

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?