783
‘Agaw-bato’ raket ng tiwaling pulis, siniwalat ng ex-CIDG chief
By

‘Agaw-bato’ raket ng tiwaling pulis, siniwalat ng ex-CIDG chief

Ibinunyag ng isang dating opisyal ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang diumano’y raket ng ilang tiwaling pulis na tinawag na ‘agaw-bato’.

Sa ‘agaw-bato’, nire-recycle umano ng mga ito ang mga iligal na droga na nakumpiska nila sa kanilang raid.

Sa kanyang pagtestigo sa pagdining ng Senado nitong Huwebes sa mga anomalya sa New Bilibid Prison (NBP), kinatigan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na dating hepe ng CIDG, ang naunang pagbunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino kung saan ang mga tiwaling pulis ang nagre-recyle ng illegal drugs na kanilang ibinibenta o di kaya nama’y ginawang planted evidence.

“Yes sir, it is still happening. I believe it’s still existing now,” pahayag ni Magalong sa komite, matapos tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung nangyayari pa rin sa kasalukuyan ang naturang raket ng ilang tiwaling pulis.

Tinanong pa ni Drilon si Magalong kung nakahanda ba itong pangalanan ang mga pulis na sangkot sa “agaw-bato” scheme at sinabi naman ng dating CIDG chief na ibubunyag niya ito sa isang executive session.

“Would you be free who to give us some details and who this people are?” tanong ni Drilon kay Magalong.

“Yes sir, I can reveal this during executive session,” sagot naman ni Magalong.

Ayon pa kay Magalong, mas matindi umano ngayon ang pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga kesa sa panahon noong nakatalaga pa siya sa PDEA at PNP.

“Hindi siguro ganun kagrabe nung panahon kung nasa PDEA pa po ako at PNP. Ngayon po iba na po ‘yung scale ng kanilang operation siguro ngayon mas temper,” sabi ni Magalong.

“Nevertheless, whether small or large, the fact that there are law enforcers engaged in this kind of activity is something that we must in general condemn and stop. Because our anti-drug campaign will be a laughingstock if this continues,” giit naman ni Drilon. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?