76

Jan 2, 2018 @ 11:23

Agaton nasa Negros Oriental na — PAGASA

Pumasok na sa Visayas ang bagyong Agaton matapos manalasa sa Mindanao nitong Bagong Taon, ayon sa PAGASA.

Alas-8 na umaga nang mamataan ang sentro ni Agaton sa Bais City Negros Oriental.

May lakas itong 55 kilometers per hour at pagbugsong 90 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bulis 25 kph.

Matapos dumaan sa ilang lalawigan sa Visayas, inaasahang tatamaan nito ang Palawan sa Miyerkules at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes .

Nakataas ang Signal Number 1 sa siyam na lalawigan:

Palawan, including Cuyo Island
Bohol
Cebu
Siquijor
Guimaras
Negros Oriental
Negros Occidental
Southern Antique
Southern Iloilo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?