66

Dec 27, 2017 @ 18:50
By

Agarang tulong sa nasalanta ni Vinta, tiniyak ni Duterte

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng agarang tulong para sa mga biktima ng bagyong Vinta na nanalasa sa ilang lugar sa Mindanao.

Sa briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Tubod, Lanao del sur tiniyak ng Pangulo sa mga gobernador at mga alkalde ng Lanao del Sur na agad kukumpunihin ang mga nawasak na istruktura pati na rin ang mga napinsalang mga pananim ng mga magsasaka.

Agad aniya siyang magpapatawag ng cabinet meeting pagkatapos ng bagong taon para talakayin ang mga proyektong kailangang isaayos sa lalong madaling panahon.

“Dito po governor, I can assure you na we will fast-track everything. Importante yung agriculture kasi yan ang tinatamaan talaga.

Aside from itong human suffering, ang pinaka-is really to rehabilitate the agricultural sector immediately,” ang pahayag ng Pangulo.

Isa-isang pinakinggan ng Presidente ang concerns at mga kahilingan ng mga alkalde sa Lanao del Norte at tiniyak na aaksiyunan agad ang mga ito.

Iniutos na rin ng Pangulo ang pagtatayo ng temporary bridge sa lalawigan para maabot ang mga liblib na lugar na hindi pa naabot ng relief operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?